Caught (up) in traffic

Home » 2017 » October » 16

Daily Archives: October 16, 2017

Misinformation on the PUV modernization project

There was a transport strike today mainly involving jeepney drivers and operators who are protesting the proposed Public Utility Vehicle (PUV) Modernization project of the Philippine government. In this age of fake news, there’s also a lot of misinformation going around that gets shared even by well meaning people who probably just wanted to have it represent their opinion about the matter. Unfortunately, this only spreads more misinformation. Nagagatungan pa ng mga alanganing komento.

Following is the reply of the DOTr from their Facebook account:

“PAUNAWA | Isa-isahin natin para malinaw:

1. Hindi tataas sa P20 ang pasahe. Saan nakuha ng PISTON ang numerong ito?

2. Hindi lugi ang driver/operator. Kikita pa nga sila. Bakit?

– May 43% fuel savings ang mga Euro-4 compliant na sasakyan

– Mas maraming pasahero ang maisasakay dahil mula sa 16 persons seating capacity, magiging 22 na.

– Low to zero maintenance cost dahil bago ang unit

3. Hindi rin totoo na hindi kami nagsagawa ng mga konsultasyon.

Ang DOTr at LTFRB ay nagsagawa ng serye ng konsultasyon at dayalogo kasama ang mga PUV operaytor at mga tsuper sa buong bansa, kabilang dito ang mga organisadong grupo ng transportasyon at ang mga lokal na pamahalaaan.

Ang mga konsultasyong iyon ay isinagawa bago, habang, at pagkatapos malagdaan ang DO 2017-011. Sa katunayan, ang konsultasyon para sa paggawa ng mga local public transport route plan ng mga lokal na pamahalaan at ng mga kooperatiba sa transportasyon ay isinasagawa hanggang ngayon sa buong bansa. Maliban sa sector ng PUJ, nagsasagawa rin ang gobyerno ng konsultasyon sa mga operaytor at grupo ng Trucks for Hire (TH).

4. Hindi korporasyon ang makikinabang kundi mga:

– Local manufacturers na mag-didisenyo ng units

– Pilipinong manggagawa na magkakaroon ng trabaho at gagawa ng mga sasakyan

– Drivers at operators na lalaki na ang kita, uunlad pa ang industriya

– COMMUTERS na matagal nang nagtiis sa luma, hindi ligtas, at hindi komportableng public transportation units

5. Hindi anti-poor ang #PUVModernization Program.

Malaking bahagi ng Modernization Program ang Financial Scheme para sa drivers at operators. Sa tulong ng gobyerno, nasa 6% lamang ang interest rate, 5% naman ang equity, at aabot sa 7 taon ang repayment period. Magbibigay rin ng hanggang PHP80,000 na subsidy ang gobyerno sa kada unit para makatulong sa down payment.

Bukod dito, tandaan natin na ginhawa at kaligtasan ng mahihirap ding commuters ang hangad ng programa.

6. Walang phase out. Mananatili ang mga jeep sa kalsada. Pero sa pagkakataong ito, bago at modern na.

ANO ANG TOTOO?

Hindi na ligtas ang mga lumang PUVs sa Pilipinas. Takaw-aksidente na, polusyon pa ang dala. Hindi komportable at hassle sa mga commuters. Ang totoo, matagal na dapat itong ipinatupad. PANAHON NA PARA SA PAGBABAGO SA KALSADA.”

It is easy to get information directly from the DOTr about the PUV Modernization Program. Unfortunately, there are many who choose to propagate misinformation about the program based on hearsay or the misinformation they got from someone else. Call me biased but I know for a fact that a lot of people did honest, good hard work on this. The project was not developed overnight and a lot of thought was put into it. And so its unfair to say “hindi pinag-isipan” (not well thought of). Perhaps a better way is to engage the government about these matters and participate in constructive discussions rather than just pose opposition without even offering any alternative solutions.